20111120

Tinig ko ay dinggin

Tahimik...parang pipi ngunit 'ndi
Walang imik sa daloy ng dagat
Pag ang iba'y nagwika, laging kinikilala
At ang bawat salita'y tinitingala.
Ngunit sa aking mga salita't bigkas
Parang hanging, tahimik na umiihip lamang.

Sa isang pamahalaang Demokratiko
Lahat ay may karapatang mag wika,
Opiniyong dapat inirerespeto,
Mga boses at salitang iginagalang.
Ngunit ang katotohanang hindi maitatago,
Na ang lahat ay isang palabas lamang.

Di ba kami'y karesperespeto, di kami pinakikingan?
O kaya'y karapat dapat, di kami kinakailanga?
Ginagawa ko, namin, ang lahat upang makibagay
Mapansin at tanggapin
Ngunit talagang wala, ayaw nyo sa'min.

Pati na kapitbahay o kasamabahay, walang nakikinig
Kapatid ko'y walang paki
Mga magulang ay manhid
Sa aking kamag-anak, basura lang ang tingin sa'kin.
Pati kaibigan ko'y away na sa 'kin
Kaklase, kamag-aral lumayo na rin,
Pinakamamahal ko'y lumalayo na rin
Na kahit isang tinggin, ay di ko na maangkin.

Tulo ng luha'y di ko na maawat
Silakbo ng damdamin'y di na din mapigilan
Damdamin nasaktan na parang salamin na basag
At magpakailan man ay di na maisasaayos.

Ano ba ang dahilan ng aking paghihirap?
Sino ang may sala sa lahat ng kamalasan?
Nagdaya o nang-away, di ko naman ginagawa,
Parusa ba ito o pagsubok ng tadhana?

Tao din ako, may puso't pandama,
Di na kinakailangan i-ngudngod sa maduming putikan,
Akin lamang munting hiling sa laking unting akda
Sana'y ako ay dinggin, tinig ko't mithiin...



copyright by leehaeeji